Pages

Showing posts with label Motivational. Show all posts
Showing posts with label Motivational. Show all posts

Sunday, October 28, 2012

Kasalanan by Orient Pearl Lyrics


Kasalanan by Orient Pearl lyrics
I.
Ang panahong sinayang ko
Pasakit na dinanas mo
Noo'y di ko nakita
Ang yong pagdurusa

Di kaya ng alaalang
Buhayin ang pagnanasa
Ngunit sabihin mo sa akin kung panong
Pupunuan ang pagkukulang ko ohhh

Chorus
Pag-ibig ko'y muli mong pagbigyan
Upang mabawi ang mga kasalanan
Pag-ibig ko'y muli mong pagbigyan
Sana'y malaman mo ang ninanais ko

II.
Sa pangarap na sinira ko
Kulang na pambayad ang buhay ko
Ang isip ko'y liyo
Sumuko sa tukso
At kamunduhan

Ako'y naging isang hangal
Isinuko mo ang yong dangal
O ngunit paano pa
Mababawi pa
Ang nagawa kong mga pagkakasala

Chorus
Pag-ibig ko'y muli mong pagbigyan
Upang mabawi ang mga kasalanan
Pag-ibig ko'y muli mong pagbigyan
Sana'y malaman mo ang ninanais ko




Sunday, October 21, 2012

Nandito Lang Ako by Shamrock Lyrics


Nandito Lang Ako by Shamrock  Lyrics

Nais kong iyong malaman
Ngunit di ko naman pwedeng sabihin
Paano mo maiintindihan
Kung di ko rin pwedeng aminin

Ngunit kahit puno ng lihim ang aking pagkatao
Maging ang buhay kong ito'y ibibigay sayo

Chorus:
Tibay at lakas ng loob ang iaalay para lang sayo
Nais kong malaman mo may karamay ka nandito lang ako

Ngunit lihim man akong magmahal
Kahit lagi lang nasasaktan
Ang tanging pangako ko ay tapat at puso kong ito

Ngunit kahit puno ng lihim ang aking pagkatao
Maging ang buhay kong ito'y ibibigay sayo

Chorus:
Tibay at lakas ng loob ang iaalay para lang sayo
Nais kong malaman mo may karamay ka nandito lang ako

At kahit na magkaiba ang ating mundo
Pipilitin kong mapalapit sayo...

Chorus:
Tibay at lakas ng loob ang iaalay para lang sayo
Nais kong malaman mo may karamay ka nandito lang
Tibay at lakas ng loob ang iaalay para lang sayo
Nais kong malaman mo may karamay ka nandito lang ako

Nandito lang ako
Nandito lang ako